Ang Kubeta ni Nancy Kimuell-Gabriel ay nagtatalakay ng isang personal na karanasan sa palikuran at sa kung paano nito nabago ang kanyang pagtingin sa kapwa mahihirap at lipunan. Madali kong nabatid ang daloy ng akda dahil mabilis na naikonekta ang pansariling karanasan sa isyung panlipunan kung kaya’t naging natural ang kabuuang istorya. Ang pagkakalahad ng pangyayari ay nagkaroon ng mga flashbacks. Wala rin itong censor sa mga salita kaya’t mas naiintindihan ko nang maigi ang nais pinabatid nito. Malaya rin niyang naipapakita ang kanyang saloobin at nagagawang magpabaon ng pagpapatawa sa kabila ng seryosong usapin ng kuwento. Sa tingin ko, isa itong mahalagang kasangkapan upang mas maaliw ang mga nambabasa. Nararapat lang na lagyan ng kaunting katatawanan ang isang akda upang hindi masyado maging mabigat ang mood ng kuwento.
Ang isyu sa kubeta ng marami sa mga Pilipinong mahihirap. Karamihan sa kanila ay walang sariling palikuran kung kaya’t napipilitang makihati sa ibang mga pamilya. Nagiging resuta nito ang isang maduming palikuran na nagiging dahilan din ng mga masakit ng mga taong gumagamit dito. Kawalan ang aksyon ng gobyerno at pamahalaang lokal ang nagiging punong dahilan ng isyu ng kubeta. Lubos akong sumasangayon na ang isyu ng kubeta ay masasalamin din sa malawakang isyu ng korupsyon at kapabayaan ng mga politiko. Hindi lang din ito usapin ng kubeta at kakulangan sa aksyon kundi pati na rin ang kalusugang nakasalalay sa mga pamilyang gumagamit ng kubetang punong-puno na ng mikrobyo. Ang mga puntong nailahad ng awtor ukol sa usaping kubeta, kalusugan, korupsyon at gobyerno ay maayos na nabigyang linaw sa kuwento. Ito rin ay nagsisilbing paalala sa lumalalang pambabalewala sa mga mahihirap. Ang pagiging aktibista rin ay nagkakaroon ng magandang dulot sa isang tao. Maliban sa lumalawak ang koneksyon nito sa mga tao, nagiging maalam din sila sa takbo ng paligid. Mas nagiging kritikal mag-isip at mas nagkaroon ng dunong sa paninidigan. Binabali nito ang mga maling pag-aakusa sa mga aktibistang walang ibang ginawa kundi ipaglaban ang ating karapatan.
Sa tingin ko, isa ito sa mga hindi matatawarang akda na aking nabasa. Hindi ordinaryo ang pagkakalahad sa kuwento. Hindi rin aakalain ng isang magbabasa nito. Sino ba namang mag-aakala na ang isang personal na karanasan ay maihahambing sa isyung panlipunan? Kaunti lamang ang nakakaisip na ang mga akala nating maliliit na bagay gaya ng kubeta ay may mas malaki pa palang problemang kalalabasan? Nagsilbi ang akdang itong maging daan upang bigyan tayo ng kaalaman, mata at dunong na bigyang pansin ang maliliit na problemang hindi kaagad naaaksyunan. Sa tulong nagpanitikan, naipapaalam sa masa ang mga hindi nakikita ng saradong mata – ang hubad na katotohanan ng lipunan.