Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
Nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo nang kabi-kabilang isyu ang dinikit sa pag-aaral ng wikang Filipino. Dito ko lang napantanto kung gaano kabansot ang kaalaman ng marami sa sariling wika. Karamihan ay napakaliit ang tingin sa Panitikang Filipino at kinakaya-kaya na lang ito. Pakiramdam ko ay hindi naituro nang tama ang Filipino kaya gano’n na lamang kung maliitin ito.
Nang kuhain ko ang Panitikang Filipino ngayong semestre, lubos kong naintindihan ang pagiging komplikado ng ating panitikan. Noong una, akala ko madali lang ang magbasa at magbigay ng opinyon sa akdang pinababasa. Nangangailangan din pala dito ng kritikal na pag-iisip at hindi bara-bara. Maraming kalakip na batayan ang pagpupuna sa panitikan. Hindi lang basta maganda o pangit ang gawa. Nangangailangan din ito ng basehan at obhetibong dahilan upang maging katanggap-tanggap ang puna. Dito ko nakita ang ibang lente ng panitikang Filipino, malayo ito sa inaakala ng maraming mabilis unawain.
Nagsimula kaming magbigay ng kritik sa mga akdang pinababasa. No’ng una ay wala akong masiyadong puna sa mga kuwento. Ang totoo pa nga niyan, madalas ay papuri ang madalas kong sabihin. Minsan na rin akong nahilig sa pagbabasa ng akda. Sinubukan ko na rin magsulat. Pero dito ko napagtantong marami pa palang kailangan aralin upang masabing manunulat. Mula no’n nagsimula ulit akong magbasa ng mga akda at kuwento para kinatilisin ang mga elementong binubuo nito.
Naipaintindi ko sa sarili ko ang kahalagahan ng panitikan: sa kung paano ito gamitin o sa kung paano tingnan. Ang isang akda o kuwento ay nagtataglay ng maraming bagay upang masabing maganda. Ang simula ay mahalaga, dito makikita ang pagiging malikhain ng manunulat. Hindi rin dapat tipikal ang daloy ng kuwento, nararapat lamang na may maiwang kakaibang alaala ang mambabasa. Ang pambihirang taglay ng isang akda ang makapagsasabi ng kagandahan nito. Sa mga salitang ginamit, porma ng pagkasulat, daloy ng kuwento, tema, karakter o dulo ng istorya, lahat ng ito ay dapat maging maayos sa isang kuwento. Mahalaga ring tumatalakay ito sa isyung panlipunan upang mas bigyang boses ang mga inaapi at mga problemang hindi mabigyang pansin.
Bago pa man ako pumasok sa semestreng ito, wala pa akong matibay na konsepto na ano, para saan at bakit pinag-aaralan ang panitikang Filipino. Ngunit sa tulong ng ilang buwang pag-aaral, mas lumalim pa ang kaalaman ko sa panitikan. Natutunan ko ang mga teknikal na pangangailangan ng akda. Yumabong ang aking kritikal na pag-iisip. Tumanggap na rin ng kabi-kabilang puna upang mas gumanda ang gawa. Nabatid kong ang pagsusulat ay hindi simpleng konsepto lamang. Maraming kalakip ang pagsusulat. Nakasalalay dito ang boses na nais ipadinig sa nakararami.
Nang nakita ko ang ibang lente ng panitikang Filipino ngayong semestre, dito ko lang napagtanto na marami sa atin ang nangangailangan pang matutunan ito. Mas malalim siya kumpara sa inaakala ng marami na bara-bara lang. Higit kong napahalagahan ng wikang Filipino at dito masasabi ko, na ang panitikang Filipino ay hindi para alisin sa kolehiyo.
Tuwing sasama ako pauwing probinsya sa Bicol, parati kong ninanais na libutin ang mga karatig lugar nito. Isa ang lugar namin sa pinakadulong parte kung kaya’t karamihan ng tirahan dito ay nakapaloob na sa isang kagubatan. Minsan ko na ring inisip kung paano ba mamuhay ang mga tao rito. Maraming tanong ang nabubuo sa aking isipan, gaya ng kung paano na lang nag-aaral ang mga bata rito, paano kokonsulta sa doktor ang mga maysakit kung ilang oras pa ang biyahe papuntang pampublikong ospital, anong pananampalataya ang mayroon sila kung napakalayo rin ng mga simbahan. Sa madaling salita, nais kong malaman ang uri ng pamumuhay ng mga taong salat sa impormasyon at tulong mula sa pamahalaan.
Hindi ko man nausisa ang mga tao sa lugar na ito, dinala naman ako ng akda ni Levy Balgod de la Cruz sa isang pamayanang katulad ng iniisip ko. Ang ritwal ay tumatalakay ng iba’t ibang isyung panlipunang napapanaho’t hindi nabibigyang pansin. Nang dahil sa kakulangan ng tungon ng pamahalaan sa iilang mga liblib na lugar sa ating bansa, nawawalan sila ng karapatang dapat ipinagkakaloob sa kanila. Makikitang ang kuwento ay iikot sa iba’t ibang paniniwala ng mga tao roon. Walang maayos na relihiyon ang mga tao rito kaya’t sila na mismo ang gumagawa ng sariling paniniwala. Nang dahil dito ay nagkakaroon ng maling pag-unawa at intindi ang mga tao sa pinakakonsepto ng relihiyon. Wala ring basehan ang kanilang pinaniniwalaan dahil kapwa mamamayan lang din nila ang nagtatakda nito. Ang mga batang tulad ni Anna naman ay sumisimbolo sa mga batang mahihirap na uhaw sa kaalaman, ngunit walang kapasidad makapasok ng paaralan. Si Gido naman ang halimbawa ng pagiging religous fanatic ng isang tao. Ito ay ang sobrang paniniwala sa isang bagay na nagiging resulta sa kawalan ng kritikal na pag-iisip ng isang tao. Kumbaga, masyado tayong kumakapit sa isang bagay na nawawalan na tayo ng kapasidad magbigay ng obhetibong rason. Ang Santo Sepulcro ay simbolismo ng ilang daang komunidad sa Pilipinas na hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan. Sila itong mga sinisiil at inaalisan ng karapatan. Ang kawalang pansin ay nagbubunga ng bansot na pag-iisip at kakayahang gumawa nang isang bagay na kapaki-pakinabang. Ang ritwal ay isang akdang sampal sa pamahalaan na nagpapakita kung gaano karamihang isyu ang maaaring sakupin ng kawalan ng tugon sa mga mahihirap.
Progresibo pa rin bang maituturing ang isang bansang maraming mahihirap ang hindi mabigyang pansin?
Kung kaya’t ang akda ni Levy Balgos de la Cruz ay pambihira. Ang pagkakagawa ng kuwento ay hindi karaniwan. Maraming plot twist ang akda at dito mo mapagtatanto ang mga problemang isinisigaw nito. Hindi rin karaniwan ang mga salitang ginamit. May iilang hindi na karaniwang ginagamit sa ngayon na naging dagdag kaalaman sa bokabularyo ang aking natutunan. Malinis ding naikuwento ang nais ipabatid ng manunulat. Mayroong diwa ng pananabik sa mga mambabasa dahil hindi agad inilalahad ang ibig sabihin.
Sa tingin ko, mas mainam na hindi gaano malalim ang karamihan sa mga salitang dapat ginamit. Maaaring makatulong ito upang lumalim ang kaalaman sa wika ngunit mas mainam na bawasan ito para maintindihan nang mas mabilis ng mga mambabasa. Masyado ring mabigat ang akda at mas maiging magkaroon ng kaunting humor sa kuwento. Ngunit kung aking mamarkahan ang kabuuang akda, nararapat lamang na bigyan ito ng palakpak.
Ang Kubeta ni Nancy Kimuell-Gabriel ay nagtatalakay ng isang personal na karanasan sa palikuran at sa kung paano nito nabago ang kanyang pagtingin sa kapwa mahihirap at lipunan. Madali kong nabatid ang daloy ng akda dahil mabilis na naikonekta ang pansariling karanasan sa isyung panlipunan kung kaya’t naging natural ang kabuuang istorya. Ang pagkakalahad ng pangyayari ay nagkaroon ng mga pagbabalik-tanaw. Wala rin itong censor sa mga salita kaya’t mas naiintindihan ko nang maigi ang nais pinabatid nito. Malaya rin niyang naipapakita ang kanyang saloobin at nagagawang magpabaon ng pagpapatawa sa kabila ng seryosong usapin ng kuwento. Sa tingin ko, isa itong mahalagang kasangkapan upang mas maaliw ang mga nambabasa. Nararapat lang na lagyan ng kaunting katatawanan ang isang akda upang hindi masyado maging mabigat ang mood ng kuwento.
Ang isyu sa kubeta ng marami sa mga Pilipinong mahihirap. Karamihan sa kanila ay walang sariling palikuran kung kaya’t napipilitang makihati sa ibang mga pamilya. Nagiging resuta nito ang isang maduming palikuran na nagiging dahilan din ng mga masakit ng mga taong gumagamit dito. Kawalan ang aksyon ng gobyerno at pamahalaang lokal ang nagiging punong dahilan ng isyu ng kubeta. Lubos akong sumasangayon na ang isyu ng kubeta ay masasalamin din sa malawakang isyu ng korupsyon at kapabayaan ng mga politiko. Hindi lang din ito usapin ng kubeta at kakulangan sa aksyon kundi pati na rin ang kalusugang nakasalalay sa mga pamilyang gumagamit ng kubetang punong-puno na ng mikrobyo. Ang mga puntong nailahad ng awtor ukol sa usaping kubeta, kalusugan, korupsyon at gobyerno ay maayos na nabigyang linaw sa kuwento. Ito rin ay nagsisilbing paalala sa lumalalang pambabalewala sa mga mahihirap. Ang pagiging aktibista rin ay nagkakaroon ng magandang dulot sa isang tao. Maliban sa lumalawak ang koneksyon nito sa mga tao, nagiging maalam din sila sa takbo ng paligid. Mas nagiging kritikal mag-isip at mas nagkaroon ng dunong sa paninidigan. Binabali nito ang mga maling pag-aakusa sa mga aktibistang walang ibang ginawa kundi ipaglaban ang ating karapatan.
Sa tingin ko, isa ito sa mga hindi matatawarang akda na aking nabasa. Hindi ordinaryo ang pagkakalahad sa kuwento. Hindi rin aakalain ng isang magbabasa nito. Sino ba namang mag-aakala na ang isang personal na karanasan ay maihahambing sa isyung panlipunan? Kaunti lamang ang nakakaisip na ang mga akala nating maliliit na bagay gaya ng kubeta ay may mas malaki pa palang problemang kalalabasan? Nagsilbi ang akdang itong maging daan upang bigyan tayo ng kaalaman, mata at dunong na bigyang pansin ang maliliit na problemang hindi kaagad naaaksyunan. Sa tulong nagpanitikan, naipapaalam sa masa ang mga hindi nakikita ng saradong mata – ang hubad na katotohanan ng lipunan.
Ang akdang Dangal ni Norman Wilwayco ay tumatalakay sa kung paano hinuhulma ng salapi ang ating pagkatao. Makikita rito ang pagpapatunay kung gaano kalaki ang impluwensya ng pera sa kung paano ito kasangkapanin bilang isang kapangyarihan laban sa ibang tao. Gumamit ang awtor ng simple ngunit direktang mga salita at walang anumang filter sa buong istorya. Mabilis na maiintindihan ang akda dahil hindi gaanong malalim ang mga pagpapakahulugan na ibinibigay dito. Sa kabila ng simpleng daloy ng kuwento, naipamalas ng manununulat ang tibay ng simbolismo ng salapi.
Ang pagkakaayos ng konsepto ng kuwento ay naging mahalaga upang maging easy read ang buong akda. Ipinapakita rin dito ang iba’t ibang uri ng estudyante sa kolehiyo at sa kung paano nito sinasalamin ang realidad ng buhay; maaari natin itong ikumpara sa social classes ng lipunan. Pinapatunayan nito, na hindi pa man tayo nagkakaroon ng sapat na kapasidad na tumayo sa sariling paa, malaking impluwensya sa pagkatao ang nakagisnang pamumuhay. Hinuhulma nito ang ating pagtingin sa ibang taong hindi kapantay ng ating kinalakihan. Pinakikita ang realidad na madalas, kaya talagang bilihin ng pera ang lahat ng bagay, ultimo dangal. Mahalaga ang elemento ng pera sa kuwento sapagkat ito ang dahilan ng pagbabago ni Chris, ang isa sa mga bida sa akda.
Sa bandang hulihan ng akda kung saan nagalit si Chris kay Marissa sa pagtanggap ng tseke, ay hindi gaanong malinaw. Hindi lubos na naipakita ang dahilan ng emosyong bumalot sa eksena. Mabilis na tumalon ang kuwento sa katapusan nang hindi gaano naipakita ang nangyari sa mga tauhan. Mas mabuti kung lubos na naipabatid sa mga mambabasa ang kinahinatnan ng dalawang tauhan: kung bakit naging gano’n ang reaksyon ni Chris at ang dahilan naman ng pagtanggap ni Marissa sa tseke.
Sa kabila nito, masasabi kong kakaiba ang paglalahad ng awtor sa istorya. Hindi ito karaniwang isinasalaysay ng manunulat. Napapanahon man ang ganitong isyu, hindi naman masyadong nabibigyan ng pansin ng karamihan. Kaya’t tama lang na mairekomenda sa iba ang Dangal sapagkat naipamamalas nito ang salamin ng buhay. Ang sabi nga sa isang sipi sa Ingles, “Money can’t buy us happiness.” ay hindi palaging totoo. Kung minsan, nakakayang bilhin ng tao ang kasiyahan. O mas mainam na sabihing, ang luho ng ating nararamdaman. At minsan, kahit dangal na lang ang natitira, ay nabibili pa.
Wala naman talagang halaga ang anumang legal na dokumento sa pagpapatunay ng nararamdaman. Wala naman kasing masasabing “stable” kapag patungkol sa tao ang pag-uusapan. Likas na siguro ang pagbabago sa atin: pag-ibig, kalusugan, kaugalian o usapang espiritwal man, hindi natin alam. Parating suntok sa buwan ang lahat sugal na ating itataya. Nasa pagitan tayo ng sana at bahala: umaasang maganda ang kalalabasan ngunit alam kung gaano kalaki ang walang kasiguruhan.
Pero kahit na gano’n, pinipili pa rin nating maniwala na may mga bagay na magtatagal. Sinusubukan nating ipaubaya ang nararamdaman sa kalawakan. Wala mang kasiguruhan ang karamihan sa ating nakikita’t nararamdaman, may ilang sandaling naniwala rin tayo sa walang hanggan. Hindi naman talaga natin kailangan ng “mutual feelings” para magkaroon ng nararamdaman. Sadyang gusto lang nating na re-reciprocate ang mga binibigay natin, dahil ito ang nagdidikta sa atin paminsan ng halaga sa mundo. Gayunpaman, hindi natin mapipigilan ang nararamdaman. Gumising ka man na mahal mo pa rin siya o hindi na, ang sarili mong pagpapakahulugan sa isang tao ay hindi naaayon sa iba. Magbago man ang nararamdaman niya, walang kasiguruhang mawawala rin ang pag-ibig mo sa kanya.
Ang akdang ito ay nagpapakita ng ibang pagtingin sa paghihiwalay ng dalawang taong minsang nagmahalan. Palaging malungkot ang pakiramdam tuwing nakakarinig tayo ng hiwalayan. Hindi natin aakalaing posible pa lang maghiwalay nang maayos at masaya. Sa unang linya pa lang ng kuwento, mapupukaw na agad ang mambabasa. Dagdag puntos ito para sa manunulat, na dapat sa simula pa lang ay aakitin na agad nito ang mga mata ng makababasa. Maayos ring nailahad ang daloy ng kuwento. Mayroong pakiramdam ng sabik sa mga susunod na mangyayari. Madalas mang itampok ang kuwentong gaya ng Kasal, pinatunayan naman nito ang kaibahan sa nauna. Ang mga salitang ginamit ay karaniwan. Hindi gaano mahirap intindihin ang ibig sabihin.
Mas mainam kung lalagyan ng magaang parte ang kuwento. Napansin kong masyadong mabigat ang bawat pahina ng kuwento. Madadala ka sa emosyong dala nito. Sa palagay ko, magiging maganda ang akda kung lalapatan ito ng pampagaan sa mambabasa. Maaari mag-flashback ng masasayang alaala nilang dalawa, o kahit anong eksenang babawas sa mood ng kuwento.
Ang akdang kasal ay nagpamalas ng kakaibang pagtingin sa paghihiwalay: na hindi parating magiging masalimuot ang katapusan. Binigyan tayo ng patunay sa isang pag-ibig na mapagpalaya. Sa katunayan, paminsan ko na ring naitanong sa sarili, na bakit ang mga tuldok ay para ilagay sa hulihan? Hindi naman sila inilagay para may palamuti lang. Bakit ang tuldok ang naging simbolo ng katapusan? Kaya minsan, kapag nakikipag-usap ako sa hindi pormal na pamamaraan gamit ang chat, ay hindi ko ito madalas tuldukan. Pagpapakahulugang hindi pa ako tapos magsalita. O gusto ko pa silang kausapin. Mababaw man na dahilan, pero mapagtatanto natin, na may mga bagay tayong ginagawang basehan upang maniwala sa walang hanggan. Wala mang bisa ang kasal at mga legal na dokumento sa nararamdaman ng dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahal, nagpapatunay naman ito na kahit gaano pa paulit-ulit ang mundo, wala man kasiguruhan sa bawat pagtaya, minsan na rin tayong humiling sa walang hanggan. At may mga pagkakataon na ring naniwala tayo sa pag-ibig.
Ang akdang binasa ay tumatalakay sa kabuuang konsepto ng panitikan: mga paunang tanong na kalimitang naririnig sa mga mag-aaral na hindi gaanong malalim ang pagkakahulugan sa diskurso. Habang binabasa ko ang labing-anim na pahinang nagpapaliwanag sa iba’t ibang mukha ng panitikan ay unti-unti kong naintindihan ang totoong dahilan kung bakit kailangan pag-aralan, busisiin at bigyang halaga ang Panitikang Filipino. Binuksan ko ang aking isipan sa mga bagong konsepto na maaari kong maidagdag bukod sa aking mababaw na pagkakaintindi sa diskurstong nabanggit. Hindi ko kinulong ang aking sarili sa kung anong tingin kong limitasyon ng paksa.
Napagtanto kong ang panitikan ay may mga kalakasan at kahinaan. Sa pamamagitan nito, yumayabong ang ating pag-iisip sa kung paano natin tignan ang lipunan at sa mga bagay na nakapaloob dito. Lumalalim ang ating pagpapayag sa sarili pati na rin sa pakikipagkominuka sa ibang tao na nagiging resulta ng mga magandang pag-uusap sa pagitan ng sarili o ng kausap. Ang panitikan ay lubos na nakatutulong upang magkaroon tayo ng kamalayan sa lipunang ginagalawan: maaari mong tingnan ang mga bagay sa labas ng kahon. Ibig sabihin, ang pag-iisip mo ay hindi lang nakakulong sa isang konsepto. Maaari mo rin itong payabungin at pagyamanin. Sa kabilang banda, hindi gaanong nabibigyang pansin ang panitikan sapagkat sa paniniwala ng iba, hindi naman ito gan’on kahalaga sa isang tao at wala namang malaking impluwensya ang maibibigay nito sa atin.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi nabibigyang sapat na atensyon ang diskursong nakatutulong humubog hindi lang sa ating kaisipan kundi sa ating buong pagkatao. Ngunit napagtanto ko, na ang sagot ay hindi para lamang ilahad. Ito rin ay para isagawa. Kagaya nga ng nasabi sa akda, ang realidad ay hindi naririyan para lamang tanggapin. Ang mga katangian nito’y nasa mga magiging pagpapasya rin natin. Tayo ang naghuhubog dito sa pamamagitan ng ating aktibong pakikisagot sa mga isyu ng paligid, at isa na rito ang akto ng pagsusulat. Dahil hindi naman tayo nag-aantay na dumating ang araw na bigyan nila ng halaga ang panitikan. Tayo rin ang gagawa ng ating kinabukasan.
This is an example post, originally published as part of Blogging University. Enroll in one of our ten programs, and start your blog right.
You’re going to publish a post today. Don’t worry about how your blog looks. Don’t worry if you haven’t given it a name yet, or you’re feeling overwhelmed. Just click the “New Post” button, and tell us why you’re here.
Why do this?
The post can be short or long, a personal intro to your life or a bloggy mission statement, a manifesto for the future or a simple outline of your the types of things you hope to publish.
To help you get started, here are a few questions:
You’re not locked into any of this; one of the wonderful things about blogs is how they constantly evolve as we learn, grow, and interact with one another — but it’s good to know where and why you started, and articulating your goals may just give you a few other post ideas.
Can’t think how to get started? Just write the first thing that pops into your head. Anne Lamott, author of a book on writing we love, says that you need to give yourself permission to write a “crappy first draft”. Anne makes a great point — just start writing, and worry about editing it later.
When you’re ready to publish, give your post three to five tags that describe your blog’s focus — writing, photography, fiction, parenting, food, cars, movies, sports, whatever. These tags will help others who care about your topics find you in the Reader. Make sure one of the tags is “zerotohero,” so other new bloggers can find you, too.